Sunday, August 29, 2004

kwartology

May own room ka ba?
Meyon

Gaano kalaki? or kaliit?
Maliit lang. Di ko alam yung sukat e.

Kung ppnta ako sa room mo, ano makikita ko sa left side?
Sabitan ng belts at bags, full length mirror, cds at books na nagsisiksikan

Sa right side?
Vanity mirror (ulet), closet, picture frames, gitarang nakasabit, component

Ilang bintana?
Isang malaking bintana

Isang malaking bagay sa room mo na gusto mo?
Hmmm. Bed. Yun yung malaki.

May collections? ano?
Books, cds

Malinis ba kwarto mo ngayon?
I am so truthful. Hindi.

May mga pictures sa walls or desks?
Meron. Marami nga e. :)

Ano yun?
Posters ni Britney (waaah!), Jewel, Lenny, Barbie's Cradle
Pictures sa walls (as in pagkagising kitang kita ko na agad) ng mga kuya ko nung bata pa sila, black en white solo baby pic ni papa, tsaka isa din atang solo pic ko nung bata pa ko habang nakatawa tas may hawak na pink na baso :D
Sa gilid ng bed, pictures ng bums, family, perps and uste friends
Sa taas ng vanity mirror (naka-frame), pictures ng pamilya, high school grad pic, big button pin with my best friend
Sa taas ng component, picture ng barkada :D

Gaano kalaki closet mo?
Para sa kin, maliit. Nasira na yun once sa dami ng laman. Hehe.

Five things na gngmit mo most of the tym sa room mo?
1. kama syempre, kasama na don ang
2. kumot at
3. unan
4. gitara
5. component at remote


Nakasarado ba bintana sa room mo ngayon?
Hindi ko sinasara yon. Kapag malakas lang ang ulan, kasi natatalsikan ako. :D

Ikaw ba nag-aayos ng bed mo?
Tingin ko naman.

Cno na nkpasok sa room mo?
Nako marami-rami na din. Kahit si Lennox ay nakapasok na don.

May amoy ba kwarto mo?
Hindi ko alam. Syempre immune na ko don di ba?

Gusto mo kwarto mo?
syempers

What do u want to say sa mga taong papasok sa kwarto mo?
Uh. Gagayahin ko na lang yung slogan ng dorm ko, "WELCOME TO YOUR HOME AWAY FROM HOME."

Ito ba ang kapalit ng kasiyahang nadarama ko ngayon?!

I am not proud of this, but I am not ashamed either. Ewan ko, parang nakakaiyak na nakakatawa.

Pero sabi nga nila, 'there's always a first time for everything'.

I failed a major exam. Ang kinasaklap pa non e hindi Math ang ibinagsak ko, kundi Art Appreciation, yung subject na lagi kong in-o-okray.




Iniisip ko kung anong dahilan ng pagbagsak ko, dahil ba sa:

1.) kumakain ako ng BLUSKIES ONION SPRING (o spring onion) CRACKERS habang nagtetest?

2.) lagi akong kumakain talaga sa subject na to (corn bits, egg sandwich, bluskies)

2.) kapag tinatamad akong makinig e kinukuhanan ko ng pictures ang mga kaklase ko sa aking phonecam? (madalas, e nag-e-enjoy naman sila e)

3.) nag-aral naman ako, kaso i didn't put my heart into it. Dude naman, imemorize mo ba naman lahat ng painters ng iba't ibang periods e kung di ka ba naman mapakamot ng ulo pagdating ng exam

Huwaaaah! I am hoping (and praying and wishing) that I don't fail. Sabagay, marami pa namang paraan para bumawi.

1.) Flower Drum Song - musical play ng group namin na itatanghal sa finals

2.) sangkatutak pang papers (individual o group)

3.) quizzes (na tulo-pawis ko ring sinasagutan)

4.) final exams (jararan!)

Kasi pag hindi:

1.) sasakalin ako ng nanay at tatay ko

2.) malamang patigilin nila ang pagba-banda ko kasi syempre bilang mga magulang, iisipin nila na yun siguro yung dahilan (akshuli, oo, konti)

3.) magsusumer class ako :( huhuhuh paano na lang ang mga summer escapades?!

=======

Currently chatting with: James! yeah. Medyo matagal ko nang di nakausap tong si James. He sent me an offline message, so i thought, THIS IS A SIGN! Usap na kami ulet.

Currently reading: DADDY-LONG-LEGS by Jean Webster. Very funny book. I wish I had my own Daddy-Long-Legs/Master Jervie. Hehe.

Currently in the same room (o sala) with: Ate Neri at Kuya Oning. Gown fitting opkors!

Currently remembering: May phone call last night. 11:30-2 am. Haaay...Ang gaan gaan ng feeling, ang gaan gaan ng loob ko sa yo, di ako magsasawa dahil ang gentle mo naman...Haha. Corny ko no? Haay. Thank God for nice and long phone calls.

Sunday, August 22, 2004

Catch Uncle's Army every Friday (and hopefully Saturday) at Fudge. Coffee Shop (Espana, beside ukay-ukay).

Naaaks. Parang totoo ah.

Di, tambay lang kayo dito, masaya pramis. Masarap ang pagkain, lalo na ang carbonara at mga pastries. Makikita nyo pa yung cutie na (parang) manager ng shop na to, kamukha kasi sya ni Bamboo.



Ang pinakamagandang nangyari nung Friday, aside from the warm welcome from the audience na puro bagets din, e pagkatapos namin tumugtog, may nanghingi ng lyrics ng kanta ko!! ICE CREAM ON A SUNDAY kung tawagin yon. Iz kinda like lutang sa ere ya know. Iz like really nakaka-fat ng heart.

Sunday, August 15, 2004

Last Thursday, I got sick. As in matinding lagnat na kahit doble-dobleng sweaters ang suot ko, e nigiginaw pa din ako. May kasama pang sakit ng tyan.

At dahil napaka-wrong timing ng pagkakasakit ko, di tuloy natuloy (ulitulit) yung gig namin nung Friday sa Fudge Coffee Shop (along Espana). Nakakainis talaga. Di ko tuloy alam kung pano ko sasabihin kay Pez. E earlier that day, tinext nya ko, sabi nya, si MARK GERALD, ang aming drummer/percussionist-to-be e bumili na ng cahon para nga sa naturang gig. So talon talon pa ko sa tuwa non. E di rin naman natuloy.

Ako: Uy, wag kang magagalit ah. May sakit kc ako e, khpon pa. Galing na kong ospital knina, sbi ng doktor pahinga dw muna ko. Di ko kayang tumuloy mmya. Sori ah. Pakisabi din kay Mark.

Pez: Ah ok...no prob dude...dapat magpahinga ka. marami pang dadating na gigs...pwede naman yun next tym e db, wats importnt is ur health. get well soon.

Ako: Salamat dude ah. Di bale sa Friday na lang. Pakisabi na lang kay Mark ah. Nakakahiya.

Pez: Kulang ka lang ng alaga ni Mozart. :)

Ako: Shyaddap!!

===========

Eto naman ang maliit na eksena na naganap sa clinic ni DRA. JOY MODILLA, ang aking kasin.

Dumating kasi yung kapwa doktor ni Ate. Bagets din. Di ko na inalam ang pangalan nya. Meron syang mask. Siguro ayaw nyang amoy ng ospital.

I had 2 doctors staring and making kapa my bare stomach.

And since i was wearing my UST jogging pants...

Doc with mask: Hello!! Uyy..naka-Tiger uniform sya ah. So sa UST ka nag-aaral. That's good. (thumbs up pa sya)

Ako: Heheh. Opo. (ismayls)

D w/ m: Anong year mo na?

Ako: Tardjir po. (third year hahaha!)

D w/ m (habang kinakapa ang tyan ko): Kakatapos lang ba ng exams mo? O nakipagbreak ka sa boyfriend mo?

Ako: Naku! Hindi po! Wala nga po akong ibebreak e. Hahaha!

Ate Joy: Neneng-nene pa yan!

D w/ m: Anong neneng-nene? E ako nga 2nd year college nung nagka-boyfriend. E eto, 3rd year na! Hahaha.

Ate Joy: Hinde, nene pa talaga yan.

Tawa tawa tawa.

D w/ m (kapa-ing pa rin): Nag-si-sit-ups ka ba?

Ako: Hindi po. Bakit po?

D w/ m: E antigas ng tyan mo e. O, puro muscles.

Ako (habang nakapikit ang mata at pinipigilan ang tawa) : E, may kiliti po ako dyan e.
Oomph.

Saturday, August 14, 2004

Look, look! It's Brian Epstein (the manager) and The Beatles.

Only 99pesos at National Bookstore.




Sa totoo lang, di ko naman talaga kakilala si Mr. Epstein. Buti na lang, may photos ang Beatles sa harap, kaya wala nang patumpik-tumpik kong binili to.

Then...
A Cinderella Story


(once upon at time...can happen anytime)


1.) Diego Luna
2.) Chad Michael Murray!!




Si Chad ang bago kong iniirog. Si Hilary, ayun. Mukha pa rin siyang Lizzie. Hehe.

Langya si Hilary, kanya na nga si Gordo...pati ba naman si Chad?!?

Soobrang cute ng A Cinderella Story. Ika nga ni Ate Dins, 'awww...so high school!!' True. Masyadong high school. Masyadong hollywood. Same group of high school people are there. May geeks, may jocks, may cheerleaders. Pero if you want to have a laugh and feel kilig at the same time, pwedeng pwede to.

Sa totoo lang, Dawson's Creek days pa lang, crush ko na tong si Chad. Ang role nya pa nga don e rocker-na-super-tinik-sa-chicks named CHARLIE TODD. Una nyang naging gerpren e si JEN (Michelle Williams). Tapos si JOEY (Katie Holmes).

At alam nyo ba na sya din si Lone Ranger? As in yung tunog na..ten tenen teeeen, ten teneeeen. Yun. May pagka-action star din sya di ba. With matching mask at baril at kabayo pa.




Wednesday, August 11, 2004



Because of spending many weeks on my research paper, I believe it is but righteous to share a few trivias I read from the internet on my subject: DIEGO RIVERA. In the picture above, he is with his ever-beautiful-and-intriguing wife, FRIDA KAHLO (idol!)

Waaaw ang pormal!

Alam nyo ba...

1.) Minsan nang naging cannibal si Pareng Diego Rivera. Kasi meron syang pusa, tapos pinakain nya ito ng cat's meat. Napansin nya na parang gumanda ang kalusugan ng pusa nya. Lumaki pa. Kaya ginaya nya si pusa at kumain ng human flesh. Kinukuha nila yung mga katawan galing sa morge. Hiyeahhh!!! Paborito nya ang: women's breasts at human brain.

2.) Meron syang kakambal. Nung 2 years old pa lang sila, nagkasakit sila. Tapos, namatay yung kakambal nya. Diego was then sent to live with an Indian healer named Antonia. Nagkaroon sila ng affair ng healer na ito!!

3.) He became a man when he was only 9 years old. Sa pagkakatanda ko e si Antonia ang kapiling nya non.

Yan lang. Di ko sigurado kung totoo tong mga to pero nakakatuwa di ba? Ayan, disclaimer.

Basahin nyo to. Matagal-tagal na tong usapang to e...naalalala ko bigla.
Ako si odyssa_07, ate dins is belladona.

odyssa_07: lahat ng diego gwapo! yun e opinyon ko lang naman though di naman talaga gwapo si diego rivera

belladonna_proudfoot: ay.... si diego castro? ex ni raven villanueva?

odyssa_07: hihihihi
odyssa_07: hinde si diego...yung asawa dati ni jean garcia harharhar!
odyssa_07: (diego nga ba yon?)

belladonna_proudfoot: ayayay
belladonna_proudfoot: sino yun? si ano yun!
belladonna_proudfoot: siiii no nga ba yun?

(matagal-tagal din kaming nag-isip nito...)

odyssa_07: di ko maalala
odyssa_07: ah...diego garcia?

belladonna_proudfoot: JIGO!!!!

odyssa_07: oo nga pala!!
odyssa_07: jigo garcia!

belladonna_proudfoot: bisayang diego!!!!

odyssa_07: shyet nakakatawa ito!
odyssa_07: tawa ako ng tawa dito!!

odyssa_07: at least may sound pa rin ng d at go

Parang BATTLE OF THE BRAINLESS no??!

Monday, August 09, 2004

http://www.kwiz.biz/showquiz.php?quizid=2782" method="post">
Who is your LOTR husband?
Name
DOB
Favourite Color
your husband is Eomer
Where you will meet Lothlorien
Where you will be married Rivendell
How many kids will you have? 2
you will be with each other for: 25 years
This fun quiz by Kweytara_Songspell - Taken 694 Times.
New - How do you get a guy to like you?


Yes! Magiging close kami ni Eowyn! Tapos sa Rivendell na ako uuwi. Woohoo.

Sunday, August 08, 2004

SANA'Y PAGIBIG/PAGMAMAHAL NA LANG ANG ISIPIN NG BAWAT ISA SA MUNDO!

1.) Pagmamahal ng mga professors. Puno ng sarcasm. Kakatapos lang ng prelims namin. At napapa-SIGH na lang kami sa H.I.R.A.P (as in Haayy...In Reply to Apocalyptic test Results). Alam naman ng buong pamilya ko na bobo ako sa MATH. Tapos 3 subjects ko (2 of which are major subjects)...puro istatistikal deyta ang pinag-aaralan namin. Nakakadokleng talaga. Mas gusto ko pang magbasa ng numbers ng guitar tabs kesa numbers sa ilalim ng x at y.

2.) Pagmamahal ng bandmates. Salamat na lang at may sasakyan si Pez at napakadaling makapunta sa seminaryo ni Jonas (Christ the King). Kasi kung wala, e kawawa naman kami (lalo ako) na dala-dala ang napakabigat na classical guitar ni June (klasmeyt) papuntang E. Rod. Kahit may fx pa, e di naman safe yon. Ma-holdap pa kami. Wag na uy! Tsaka si (Father) Jonas e tumatakas pa sa klase nya para lang makapag-practice kami. Kahit 1 hour lang minsan, tuloy pa rin!

3.) Pagmamahal ng pamilya. Ang sarap talagang umuwi ng bahay. Lalo na pagkatapos ng exams (hehe). Di...masarap kasi nakakatulog ka sa sarili mong kama. Tapos napapakinggan mo yung mga paborito mong cds. Nakakatugtog pa ng ubod ng lakas. Nakakakain ng masasarap na ulam at prutas. Nakakanood ng shobis balita. Nakikita ang nanay at tatay, aso at iba pang members of the F.A.M.I.L.Y. (Father, Mother, I Love You).

4.) Pagmamahal ng mga ka-dorms. Lately, naging super close talaga kami ng room mate kong si Celine. Tingin ko, e dahil yun sa nanliligaw sa kanya...hehe. Kasi naman, lahat ata e napagkekwentuhan namin. Mula sa paghiram sa kanya ng notes ni ManliligawBoy hanggang sa paghatid sa kanya sa dorm...sweeeet. Kaya nga lagi akong excited umuwing dorm, kasi makikita ko sila. Naks.

5.) Pagmamahal ni God. Sa lahat lahat ng mga blessings na natatanggap ko at ng buong Abille family, wala na atang makakapag-describe sa pagiging thankful ko. Salamat po! Mwah.

6.) Pagmamahal ng mga kaibigan. Kasama kayong lahat dyan! Andami dami nyo. Halos lahat nga ata ng blogs ko e tungkol sa inyo. Hehe. Bidah!

7.) Pagmamahal ng mga ispeysyal prends. Sana maging tayo na. Joookk!! Hindi, sana maging magkaibigan tayong totoo. Pramis, prends lang talaga. Kaso sana wag mo na kong tawaging ATE (hehe).
Dun naman sa isa pang tinutukoy ko dito. I hope you remain happy. Isa ka nang 'institusyon' para sa ken. I am your no. 1 fan. Yikee.

8.) Pagmamahal sa musika. Adeektus talaga ako. Nakakatamad na tuloy akong tapusin ng mga projects ko. Hehe.

O, ang sarap magmahal di ba?! Sabi nga ng PE teacher ko nung hayskul na si Ms. Azenith (no last name), LOVE IS WHATS MATTERS MOSTS.

Saturday, August 07, 2004

AKO (daw) si TUESDAY.

Tuesday's Gone by Lynyrd Skynyrd

Train roll on,
on down the line
Won't you please take me far away
Now, I feel the wind blow
outside my door
I leave my woman at home
Tuesday's gone with the wind
My baby's gone with the wind
And I don't know
oh where I'm going
I just want to be left alone
When this train ends,
I'll try again
I leave my woman at home
Tuesday's gone with the wind
Tuesday's gone with the wind
Tuesday's gone with the wind
My baby's gone with the wind
Train roll on
Tuesday's gone with the wind
Tuesday's gone with the wind
Tuesday's gone with the wind
My baby's gone with the wind
Train roll on, many miles from my home
See, I'm riding my blues away
Tuesday, you see,
she had to be free
But somehow, I've got to carry on
Tuesday's gone with the wind
Tuesday's gone with the wind
Tuesday's gone with the wind
My baby's gone with the wind