Sunday, August 29, 2004

Ito ba ang kapalit ng kasiyahang nadarama ko ngayon?!

I am not proud of this, but I am not ashamed either. Ewan ko, parang nakakaiyak na nakakatawa.

Pero sabi nga nila, 'there's always a first time for everything'.

I failed a major exam. Ang kinasaklap pa non e hindi Math ang ibinagsak ko, kundi Art Appreciation, yung subject na lagi kong in-o-okray.




Iniisip ko kung anong dahilan ng pagbagsak ko, dahil ba sa:

1.) kumakain ako ng BLUSKIES ONION SPRING (o spring onion) CRACKERS habang nagtetest?

2.) lagi akong kumakain talaga sa subject na to (corn bits, egg sandwich, bluskies)

2.) kapag tinatamad akong makinig e kinukuhanan ko ng pictures ang mga kaklase ko sa aking phonecam? (madalas, e nag-e-enjoy naman sila e)

3.) nag-aral naman ako, kaso i didn't put my heart into it. Dude naman, imemorize mo ba naman lahat ng painters ng iba't ibang periods e kung di ka ba naman mapakamot ng ulo pagdating ng exam

Huwaaaah! I am hoping (and praying and wishing) that I don't fail. Sabagay, marami pa namang paraan para bumawi.

1.) Flower Drum Song - musical play ng group namin na itatanghal sa finals

2.) sangkatutak pang papers (individual o group)

3.) quizzes (na tulo-pawis ko ring sinasagutan)

4.) final exams (jararan!)

Kasi pag hindi:

1.) sasakalin ako ng nanay at tatay ko

2.) malamang patigilin nila ang pagba-banda ko kasi syempre bilang mga magulang, iisipin nila na yun siguro yung dahilan (akshuli, oo, konti)

3.) magsusumer class ako :( huhuhuh paano na lang ang mga summer escapades?!

=======

Currently chatting with: James! yeah. Medyo matagal ko nang di nakausap tong si James. He sent me an offline message, so i thought, THIS IS A SIGN! Usap na kami ulet.

Currently reading: DADDY-LONG-LEGS by Jean Webster. Very funny book. I wish I had my own Daddy-Long-Legs/Master Jervie. Hehe.

Currently in the same room (o sala) with: Ate Neri at Kuya Oning. Gown fitting opkors!

Currently remembering: May phone call last night. 11:30-2 am. Haaay...Ang gaan gaan ng feeling, ang gaan gaan ng loob ko sa yo, di ako magsasawa dahil ang gentle mo naman...Haha. Corny ko no? Haay. Thank God for nice and long phone calls.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home