Sunday, August 15, 2004

Last Thursday, I got sick. As in matinding lagnat na kahit doble-dobleng sweaters ang suot ko, e nigiginaw pa din ako. May kasama pang sakit ng tyan.

At dahil napaka-wrong timing ng pagkakasakit ko, di tuloy natuloy (ulitulit) yung gig namin nung Friday sa Fudge Coffee Shop (along Espana). Nakakainis talaga. Di ko tuloy alam kung pano ko sasabihin kay Pez. E earlier that day, tinext nya ko, sabi nya, si MARK GERALD, ang aming drummer/percussionist-to-be e bumili na ng cahon para nga sa naturang gig. So talon talon pa ko sa tuwa non. E di rin naman natuloy.

Ako: Uy, wag kang magagalit ah. May sakit kc ako e, khpon pa. Galing na kong ospital knina, sbi ng doktor pahinga dw muna ko. Di ko kayang tumuloy mmya. Sori ah. Pakisabi din kay Mark.

Pez: Ah ok...no prob dude...dapat magpahinga ka. marami pang dadating na gigs...pwede naman yun next tym e db, wats importnt is ur health. get well soon.

Ako: Salamat dude ah. Di bale sa Friday na lang. Pakisabi na lang kay Mark ah. Nakakahiya.

Pez: Kulang ka lang ng alaga ni Mozart. :)

Ako: Shyaddap!!

===========

Eto naman ang maliit na eksena na naganap sa clinic ni DRA. JOY MODILLA, ang aking kasin.

Dumating kasi yung kapwa doktor ni Ate. Bagets din. Di ko na inalam ang pangalan nya. Meron syang mask. Siguro ayaw nyang amoy ng ospital.

I had 2 doctors staring and making kapa my bare stomach.

And since i was wearing my UST jogging pants...

Doc with mask: Hello!! Uyy..naka-Tiger uniform sya ah. So sa UST ka nag-aaral. That's good. (thumbs up pa sya)

Ako: Heheh. Opo. (ismayls)

D w/ m: Anong year mo na?

Ako: Tardjir po. (third year hahaha!)

D w/ m (habang kinakapa ang tyan ko): Kakatapos lang ba ng exams mo? O nakipagbreak ka sa boyfriend mo?

Ako: Naku! Hindi po! Wala nga po akong ibebreak e. Hahaha!

Ate Joy: Neneng-nene pa yan!

D w/ m: Anong neneng-nene? E ako nga 2nd year college nung nagka-boyfriend. E eto, 3rd year na! Hahaha.

Ate Joy: Hinde, nene pa talaga yan.

Tawa tawa tawa.

D w/ m (kapa-ing pa rin): Nag-si-sit-ups ka ba?

Ako: Hindi po. Bakit po?

D w/ m: E antigas ng tyan mo e. O, puro muscles.

Ako (habang nakapikit ang mata at pinipigilan ang tawa) : E, may kiliti po ako dyan e.
Oomph.

1 Comments:

Post a Comment

<< Home