Monday, October 31, 2005

Wala akong magawa kanina, kaya nagbisikleta ako, paikot-ikot dito sa Camella.

Wala atang bata dito na hindi marunong mag-bike.
Isang araw, nagbibisikleta ako mag-isa, napalapit ako sa isang bahay na under construction, kaya may bundok ng buhangin sa tapat. Nadulas ako don habang nakasakay sa bike, e tamang-tama na may nakaparadang kotse malapit. Bumangga ako doon. Pero walang nakakita, kaya nagmadali akong umalis, takot na takot at hindi ko na tinignan kung nagasgasan ko yung kotse. Tsk tsk.

Hindi ko din mabilang kung ilang beses akong hinabol ng aso dati. Ohmygosh, THE HORROR OF IT ALL!! Pabilisan kami ng takbo ng kalaban na aso, tapos, ang ending, uwi ng bahay at saglit na magkaka-phobia sa aso.
Minsan pa nga, lahat kaming magkakaibigan ang hinabol ng sangkatutak na aso. Sa sobrang takot, nailuwa ko yung bubble gum na nginunguya ko noon. Syempre, hindi kumpleto kapag hindi nakagat. :D

Ilang beses din ba akong nadapa noon? Marami-rami din. Meron akong dalawang peklat sa kanang siko at dalawa sa kanang tuhod, i-minus na dun yung mga sugat na, luckily, hindi nag-iwan ng bakas.

No. 1 enemy ko ang merthyolate.

Ang gumamela ang paborito naming bulaklak, kasi pag dinikdik at hinalo sa tubig, may instant ‘bubbles’ na. Perang papel na pambili kunwari ng pagkain sa ‘tindahan’. Pag-akyat sa puno ng aratiles, kakainin yung aratiles, tapos aakyat ulit. Bahay-bahayan.


Tapos, tumanda na kami ng paunti-unti. Meron sa aking mga ‘repapips’ nasa ibang bansa na, merong may anak na, merong pa-gradweyt na…Wala na ulit ‘patin(tero)’. Pinutol na din yung puno ng aratiles dito.










Friday, October 28, 2005

Mga Pamangkin...Bow.


I terribly, terribly miss them.

Monday, October 24, 2005

23/5 Game

This one's from: http://bago-a-raga.blogspot.com/ (a link I saw from Ala's blog)

The instructions:

1. Go to your archives.
2. Find your 23rd post.
3. Post the fifth sentence or closest to it.
4. Post the text of the sentence in your blog with these instructions.
5. Tag five other people to do the same thing.

Mine is:

Oh, look what you've done (next line) you've made a fool of everyone!!
- from the song entitled, 'Look What You've Done' by Jet
-Posted on Thursday, July 15, 2004.
-from my reincarnation, Salchichados. Yung una kasi, Salchicha lang.

Pinapakinggan ko pa din ang kantang 'to hanggang ngayon.

Calling all my blogfriends to do the same!!

Wednesday, October 19, 2005

Magdadrive ako hanggang bicol...*

My first day at Society Driving Institute.

I had a very good time driving my way around Las Pinas (nakita ko pa yung mga nagra-rally against PGMA na napanood ko sa TV Patrol kanina), up to Paranaque!

Feeling ko nasa Takeshi's Castle ako sa dami ng mga obstacles sa daan (mga tao, pedicab, tricycle, humps, lubak, singit na jeep, busina na nakaka-pressure).

AAAhhhh!! Ang sarap pala ng ikaw ang nasa driver's seat.

*probinsiya nila June. Harhar.

Sunday, October 16, 2005

TICKET TO RIDE


As soon as Papa told me that he's going to teach me how to drive, I got so psyched up I think I dreamed about it as I went to sleep this afternoon. I WAS SO EXCITED!

Kanina nakapag-drive na ko ng mga 4 houses from our house. Hehe. Ayun pa lang, so far. Medyo nahihirapan lang ako sa pagcontrol ng manibela. Hindi naman ako duling, pero medyo nahihirapan akong i-direct yung wheel sa tamang direksyon. Relax lang, darating din tayo dyan.


I guess I made Papa happy today, kasi gusto niya talagang matuto na ako, para kung hindi siya available o si Kuya Den, pwedeng ako na lang magdala nung sasakyan.

So, there. This week kukuha na kami ng student permit.

Tuesday, October 11, 2005

BATANG BATA PA AKO

Last night I watched 'HISTORY OF VIOLENCE' with my classmates. Nung una, ayoko talaga manood, pero nung nalaman ko na nandun si Papa Viggo aka Aragorn, i went 'GOOO!!!'

Title pa lang, violent na. Violent talaga, with matching nagtatalsikang laman pagkabaril sa mga kalaban ni Papa Viggo. Pero maganda yung story.

Hindi siya sing-bongga ng Spiderman o sing-aksyon ng Batman. Parang low budget nga e.

Pero ok siya.

~~~~~

I am loving the song 'Blind' by Lifehouse.

'After all this time, I never thought we'd be here...'

Up to now, there are still things in my life that I cannot learn to grasp. Well, humans never stop learning anyway, so probably after 10 years, this statement will still be applicable.

Magkaka-baby na ulit sina Kuya. Madadagdagan na naman ng baby sa pamilya namin.
Parang kadarating lang nila Bleu at Dea ah! Galing nun ah!

Huling taon ko na 'to sa skool, errrr, school.
Parang Grade 1 lang ako dati ah! Nagbabaon pa ako ng kanin at ulam for lunch, hatid sundo pa ako ng schoolbus na ang driver ay peborit sina Willie Garte, ang bandang Aegis at April Boy. (Malungkot mang isipin, pero, aaminin ko na namulat ako sa musika nila dahil uma-umaga ko silang naririnig.) Hanep.

Uuwi na ulit si Kuya Deo. Sabi niya, lapit na daw. I am so damn excited!
Parang kakaalis lang niya ah...Umiiyak pa nga ako non nung araw na umalis sila papuntang Hawaii ata (kasama niya si Kuya Den). Pinuntahan ko siya sa kwarto, natutulog pa siya non, at iniyakan ko siya na parang santo. Hehe.

Pagka-graduate ko, I have two options: Either I work right away, or I go back to school.
Anong trabaho ba talaga ang gusto ko?

Malapit na akong maging bente, as in tweynti.
Hindi na ko teen! Eeeek.

I am actually with someone. And we know we'll still be together even when we're old.
Something unexpected and still, for me, unbelievable. Nothing prepared me for something as good as this.

And my parents are open about it.
Whew.

~~~~~

(singing dreamily)
Come on baby blue
Shake up your tired eyes
The world is waiting for you
May all your dreaming fill the empty sky (hhaaayy....)




Sunday, October 09, 2005

i. how's your day? - ok lang, sumakit ang puson at nahirapan maglakad pauwi. Buti sinundo ako nila Papa. :)

!ii. complete the statement: "i feel..." - tired from this week, and nervous about my exam on Monday.

iii. what you gonna do after this? - ligo, then tulog.

iv. your song to describe your previous day? - "thursday I don't care about you, it's Friday, I'm in love!!"

v. listening to music? - katahimikan.

vi. have any pet? - 1 dog, 1 fish.

vii. your favorite scent? - amoy ng baby, amoy ng bagong ligo. Basta fresh!

viii. time? - 1:02 am.

ix. missing someone? - di pa gaano. June and I just got off the phone. Hihi.

x. the last person to give you a testi? - si Bobby na classmate ng roommate ko.

xi. your latest fashion statement? - natutuwa ako sa mga big earrings ngayon, and i have always loved anything vintage for clothes and accessories. (yuck, feeling???)

xii. the best summer ever? - yung huling uwi namin ng Pangasinan na buong pamilya. (I miss my brothers!)

xiii. last thing you did last night? - I arranged school stuff in my dorm room, para handa na sa sundo day next Sunday.

xiv. least favorite class to attend? - industrial socio with Ms. Mendoza. My only Saturday class, my only morning class (7am!). Tsaka yung prof ay....wag na nga.

xv. complete the statement: "in 10 years i will be..." - wiser.

xvi. most valuable for you? - the most valuable persons in my life.

xvii. favorite fast food? - jollibee madalas, chowking din.

xviii. the day your birthday falls on..? - november 7, monday for this year. 1st day ata ng start ng 2nd sem.

xix. hungry? - yes

xx. last thing you ate? - nerds na strawberry/grape

xxi. you're looking forward to what day/s..? - friday, kasi wala akong class, so June and I get to go out and relakz. Pero dahil sa pagkakaimbento ng HECTIC SCHED, hindi na to nagaganap. Huhu.

xxii. how many cds are there in your collection? - i've no idea.

xxiii. sunny days or rainy days? - rainy. Mas naa-appreciate ko ang temperature pag maulan. Tsaka feeling ko mas mabait, mas matakaw, mas antukin ako pag umuulan. Haha.

xiv. what made you write a survey? - nakita ko sa blog ni Ate Chie, tsaka parang masarap sagutan.

xxv. expectations for tomorrow? - mag-aaral na para sa finals...ibig sabihin malapit na ang... SEMBREAK!!! Waahoooo!!!