Monday, October 31, 2005

Wala akong magawa kanina, kaya nagbisikleta ako, paikot-ikot dito sa Camella.

Wala atang bata dito na hindi marunong mag-bike.
Isang araw, nagbibisikleta ako mag-isa, napalapit ako sa isang bahay na under construction, kaya may bundok ng buhangin sa tapat. Nadulas ako don habang nakasakay sa bike, e tamang-tama na may nakaparadang kotse malapit. Bumangga ako doon. Pero walang nakakita, kaya nagmadali akong umalis, takot na takot at hindi ko na tinignan kung nagasgasan ko yung kotse. Tsk tsk.

Hindi ko din mabilang kung ilang beses akong hinabol ng aso dati. Ohmygosh, THE HORROR OF IT ALL!! Pabilisan kami ng takbo ng kalaban na aso, tapos, ang ending, uwi ng bahay at saglit na magkaka-phobia sa aso.
Minsan pa nga, lahat kaming magkakaibigan ang hinabol ng sangkatutak na aso. Sa sobrang takot, nailuwa ko yung bubble gum na nginunguya ko noon. Syempre, hindi kumpleto kapag hindi nakagat. :D

Ilang beses din ba akong nadapa noon? Marami-rami din. Meron akong dalawang peklat sa kanang siko at dalawa sa kanang tuhod, i-minus na dun yung mga sugat na, luckily, hindi nag-iwan ng bakas.

No. 1 enemy ko ang merthyolate.

Ang gumamela ang paborito naming bulaklak, kasi pag dinikdik at hinalo sa tubig, may instant ‘bubbles’ na. Perang papel na pambili kunwari ng pagkain sa ‘tindahan’. Pag-akyat sa puno ng aratiles, kakainin yung aratiles, tapos aakyat ulit. Bahay-bahayan.


Tapos, tumanda na kami ng paunti-unti. Meron sa aking mga ‘repapips’ nasa ibang bansa na, merong may anak na, merong pa-gradweyt na…Wala na ulit ‘patin(tero)’. Pinutol na din yung puno ng aratiles dito.










0 Comments:

Post a Comment

<< Home