Sembreak Sona-two
*Sorry sa mga maco-corny-han, maiinis, magsasawa o mandidiri. Hahah!
PHONECALL.
GENE: Hello Ate Ode, puntahan ka daw ni Zart dyan sa dorm bukas ng 2 pm.May ibibigay sya na gift sa yo.
AKO: Ha?? Si Mozart?? Anong gift? Ikaw Gene ha, yang mga plano mo ha...
GENE: Basta! Ha? Punta sya dyan. Maganda yon. Simple lang pero konektado kay Zart. Matutuwa ka sigurado.
AKO (masaya): Hahaha! Ganon? O sige na nga.
Naks. Kunwari ayaw.
Come 2pm the next day...
TEXT MESSAGE.
ZART: Ate Ode! (smiling face) hi! My b2gy kmi syo. Ok lng b? Pnta na ko.
AKO: Yey! Cge (smiling face).
Waw eksayting ito. Nakakatawa mang aminin pero pinapawisan at nanlalamig yung mga kamay ko. Waaah! So hayskul!
==========
Ayan na sya! Tumatawid na. Breathe. Breathe.
Uyyy. Mukhang medyo malaki tong gift na to ah. At nakaplastic pa.
AKO: Hello!! Yan ba? Heheheh.
ZART: Haha. Hinde. Umm. Bale, ano sya e...bale card sya.
AKO: Awww. Uy, salamat a.
ZART (kinukuha sa bag): Eto o. Simple lang yan.
AKO: Awww. Salamat ha. Tsk. Gene talaga o...Hehehe. Thanks talaga!
ZART: Tsaka nga pala eto. (Naglabas ng tatlong Cloud 9, paisa-isa) Galing kay Gene, kay Lew, tsaka sa kin.
AKO: Awwww.
Cloud 9!! Yey, andami. Salamat!
Maya maya pa, sa kalagitnaan ng sidewalk (middle of the left?) at ng pagkukwentuhan namin tungkol sa mga paborito naming scenes sa
Notting Hill, tumawag si Gene kay Zart. Syempre naririnig ko yon, malamang, kasi magkaharap kami. Pero bigla syang tumalikod at bumulong-bulong sa cel nya.
Aba at may sikreto pa ang dalawang ito!
ZART (to Gene): Hello, kausapin mo si Ate Ode ha.
AKO: Hoy Gene! Thank you ah. Grabe, touched ako.
GENE: Nako Ate Ode, may pahabol pa yan. Sa
Wednesday, abangan mo.
AKO: Huh? Ano yooooon??!!
GENE: Basta abangan mo na lang sa Wednesday!
AKO: Sus. Sige. Eto na si Zart.
Habang busy silang nag-uusap, binuksan ko yung embelop, tinignan ko yung card.
Christmas card ang regalo nila sa kin!! Ang nakalagay pa,
'PASKO...PARA SA PAMILYA'.
Baka feeling nila Pasko pag magkakasama kami. Tsaka para naman talaga kaming pamilya. Baka yon.
ZART: ATEEEEE!!! Wag mo munang buksan yan! Bakit mo binuksan??
AKO: Ha?? Bakit? Tsaka bakit Christmas card to??
ZART: Basta basta!
AKO: Ahh. Ok. Ummm. Di nga, bakit Christmas card???
ZART: Ummmm. Kasi, yung cover nyan, drawing ko.
AKO: Ha? (nagmamadaling nilalabas ang card) As in eto?
ZART: Oo. Tignan mo sa likod.
AKO:
'THIS CARD IS AN ORIGINAL DESIGN OF MOZART...., A FOURTH YEAR STUDENT OF THE HIGH SCHOOLDEPARTMENT OF THE UNIVERSITY OF STO. TOMAS.' Woah. Asteeg ka pare. Contest to no? Anong place mo?
ZART: First.
AKO: Woah!! Yes naman. Apir!
ZART: Hehehe. Kumita nga ako dyan e, kasi binenta sa buong High School tapos...
Ayon, simula na ng kwento nya tungkol sa card. Syempre, ang lola mo ay elibs na elibs talaga.
AKO: Nako, dapat pumunta ka sa Museo Pambata minsan. Mag-eenjoy ka don. Madalas kasing may mga exhibits don yung mga bata. Pati din mga special children...
Tamang-tama ang promotion ko na to, kasi suot ko yung Museo shirt ko. Hahaha. Kulang na lang, cap at button pins.
==========
Balik sa sayd-op-da-rowd conversation.
ZART: Ate ilang taon ka na nga pala sa Sunday?
AKO: 19.
ZART: Weh. Di nga?
AKO: Oo noh! 19. 1985 kaya ako pinanganak!
ZART: Ha? E 1985 din ako ah!
AKO: Pramis?! Kitams. Tinatawag mo pa kong ate, 5 araw lang tanda ko sa yo! Hahaha.
ZART: E kasi third year ka na, kaya Ate. Hehe. Pero...1985? Talaga?
==========
Nung sembreak ko pa iniisip kung anong isusuot ko sa debut ng room mate ko sa Nov20. Sabi ni Ate Dins, yung
black dress na lang daw na sinuot ko sa wedding ng friend ko nung September. Ok naman sa kin yon, kelangan ko nga lang magpapayat, kasi may kaliitan ang damit na yon sa bandang bewang. Malas.
AKO: Uy a, punta ka sa debut ni Celine.
ZART: A oo naman! Pano nga pala tayo pupunta don?
AKO: Bale makikisabay daw tayo sa friends ni Celine na tiga-FEU. Ok na yon. Kaso may problema, hanggang 4 klase ko ng Saturday.
ZART: Aahh...ako, hanggang 2. Edi sabay-sabay na pala tayo.
AKO: Sure! Ummm...uy dapat mag-
green ka! Para kaisa mo si Celine sa motif.
ZART: Nako, wala akong green e...Kaya susuot ko na lang yung black ko.
AKO (mukhang gulat): Black?!
ZART (mukhang alala): Oo. Yun kasi talaga sinusuot ko e. Bakit, panget ba?
==========
Later, I realized it was time for me to get dressed. May suot naman ako non. Ibig kong sabihin, magbihis ng uniform. Kasi alas-tres ang klase ko. Natapos kami mag-usap siguro...mga alas-tres din. Pero ok lang, di naman dumating ang prof.
==========
Isa pa nga palang dahilan ng kaligayahan ko non, gamit nya yung panyo na binigay ko sa kanya (akshuli, silang lahat binigyan ko non) na galing Subic.
ZART: (punas punas sa pawis sa mukha)
AKO (biglang turo sa hanky): OY! Gamit mo!
ZART: UY! Oo nga no? Hehehe. (sabay tago sa bulsa)
AKO: Awwww. Ang saya. (sabay tingin sa malayo at nag-emote...di, joke lang)
==========
Haaaaaaaay.
Kung meron mang superlative degree ng salitang SIGH, ginamit ko na.
Iba talaga e. Alam mo yon? Iba e. Di ko ma-explain. Ang saya. Yung ganon??
Kita-kits na lang kami uli sa Wednesday.
Tapos sa Friday, birthday na ni Zart! Uh-huh. 19 na din sya tulad ko. Wala nang ate ate.