Sunday, November 07, 2004

Diez y nueve

I'm 19! Salamat sa lahat ng bumati, tumawag, nagtext, nagregalo at nagdasal para sa kin. Lahat kayo ay mahalaga ng buhay ko. I'll see you all soon!! :)

Masaya ako ngayon. Habang tumatagal, padami ng padami ang mga nagiging kaibigan ko, tsaka maraming bagay na rin akong nagawa at natutunan. Simula nung mag-18 ako. *

Una na don ang banda ko na UNCLE'S ARMY. Syempre, given na yan. Haha. My bandmates are such blessings. I just have to thank them for accepting me and the music I make.

Pangalawa ay nakakaalis na ko ng bahay ng maluwag. Ibig sabihin, hindi na ko kailangang makipag-negosasyon kina Mama at Papa bago ako makaalis ng bahay di tulad nung hyskul. Hehe. Napakalaking bagay nito para sa kin, lalo na pag mahahabang bakasyon.

Pangatlo, mas na-e-express ko na ang sarili ko sa sarili kong paraan. Hindi na ko natatakot na pagtawanan ng iba, o sabihan na 'ano ba yan, nakakahiya'...dahil na rin sa pamilya ko na mahal na mahal ako, at sa mga tunay na kaibigang hindi kailanman ikinahiya ang pagsayaw ko sa gitna ng daan, o pagtawa ng ubod ng lakas sa harap ng maraming tao kailanman! Kasi tinuruan nila ako kung pano maging TOTOO.

Pang-apat, simula nung naging 18 ako, unti-unti kong nalalaman kung ano ang tunay na kahulugan ng PAMILYA at KAIBIGAN.

Pang-lima, at ang pinakamahalaga sa lahat, ang katotohanan na ang Diyos ang tanging Diyos na mamahalin at patuloy na kikilalanin ko ay hinding hindi magbabago. Tuldok.

Isang taon na naman ang dadaan, tapos beinte na ko. Wala nang 'teen' yun sa dulo...

Pero ano naman? Kung ganito ba naman kasaya ang buhay, e sino bang tatanggi?

*Uy hindi ako nag-aastang 85-year-old lady of wisdom. Haha. I'm still learning. I have yet to learn so so so many things.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home