Friday, October 29, 2004

Pahabol

Description of Your First Name of: Odyssa

*Although the name Odyssa creates an interest in the deeper aspects of life, we emphasize that it causes procrastination, lack of confidence, and the inability to realize your goals and ambitions (my sociology prof told me this, too! ohman).

*This name, when combined with the last name, can frustrate happiness, contentment, and success, as well as cause health weaknesses in the heart, lungs, bronchial area, and fluid systems (lupet naman, ayoko naman ng sakit).

*Your first name of Odyssa has made you a sociable person who appreciates the beauties of nature and the refinements of life, and is moved by music and the arts (yes, i think i am). You are very idealistic and romantic within yourself and may have tried to express your beautiful thoughts through poetry or writing.

*Crudeness and vulgarity are very repulsive to you and you are very particular about little things (uh-huh). You suffer greatly with lack of confidence and self-consciousness (uh-huh again).

*You crave affection and understanding, yet because you can be so easily and deeply hurt, you have learned to keep your true nature hidden (yuh, I admit doing this); therefore people do not really know you. You always wonder if you are doing the right thing, desiring to express yourself but afraid to.

========

Oh, does it look like I'm such a negative person? Yung tipo bang, pag nilapitan ako ng espiritista, sasambitin nya ang mga salitang ito: 'NARARAMDAMAN KO ANG NEGATIVE ENERGY SA BATANG ITO.'

Pero in fairness (taas kilay), medyo totoo to ha.

Thursday, October 28, 2004

Dedz na blogz

*Una sa lahat, medyo flatliner ang internet life ko dahil sa pinapalaking bintana dito sa sala. Dahil sa pagbakbak ng semento, patuloy ang pagkapal ng alikabok dito sa bahay na syang dahilan ng hindi ko paggamit ng laptop. Sad.

*Nakapagrecord na ko ng 4 songs. Proseso pala talaga yon. Kasi...basta! Ang hirap. Sakit sa lalamunan. Pati sa bulsa. Kukunin ko na yung copy bukas. Bili kayo ha, mura lang namin ibebenta yon.

*Napakasaya ng celebration ng birthday ni BORONRON. Tol, di ako magugulat kung dumating ang araw na malampasan mo pa si Efren Bata. Siguro dun ka sa billiard table natutulog no? Hi kay WHITY!!! Sa susunod na yung mga photoblogs.

*May bago akong kinalolokohang musika ngayon, ang musika ng KATAASTAASANG SI KARL ROY. Iba ang tama ng mga kanta nya. Tama si Bamboo, sabi niya kasi sa PIPOL dati, Karl 'should be up there.' (hindi yung patay na nasa langit yung kaluluwa ha).

*Movie marathon ako dito sa bahay kasi wala namang iba pang magagawa: Original Sin (lupet ng storya nito, wag mag-alala, sa STAR MOVIES ko napanood kaya cut ang mga bold scenes), Duplex, Grease 2, Jerry Maguire (show me the moneeyy!!), Divine Secrets of the Ya-ya Sisterhood...dami pa. Thank God for our cable connection.

*Gustong gusto ko nang bumili ng simcard ng SUN CELLULAR. Seryoso. I need unlimited call time!! Tsaka marami na kong friends ang naka-SUN. Kaya mag-SUN na tayong lahat. Sun, sun, sun. Unlimited tawag at text. Ito na siguro ang deal na pinakahihintay ng marami.

*May girlfriend na yung isang crush ko. Dang.

Wednesday, October 20, 2004

Mga Dapat Panoorin at Basahin...

1. Confessions of a Teenage Drama Queen - Lindsay Lohan is so pretty. How does she do it?

2. Grease 2 - Michelle Pfiefer in her first starring role? Hmmm. Eksayteeng!

3. My Sassy Girl - Malakas ang ingay ng pelikulang ito sa skool. Nakakaintriga.

4. Duplex - Ben and Drew! Komedi itu!

5. 5 People You Will Meet in Heaven by Mitch Albom - same writer of my favorite book, Tuesdays With Morrie.

6. Di ko pa rin tapos yung book kay Maya Angelou.

7. Di ko pa rin tapos yung book tungkol kay Brian Epstein. Awwman. May pasok pa nung binili ko to a.

Oo nga pala, I was able to watch Raising Helen last week. And...KATE HUDSON is the only reason to watch it.

So many things to blog about.

* I missed SIDEBAR night with Ate Des, Ate Chie and Kules.

* I am falling in love with Sugarfree all over all over all over again.

* I will be recording my first set of songs tomorrow!! Yipee!! Pinapawisan na ang aking mga daliri. Ahmsowekzaythed. Sana matapos na ang pag-produce by next week. Para may pangmerienda na kami tuwing practice. =)

* Clearance day kanina sa USTe. Haaay too bad one of my friends got a failing mark in one of our subjects. Ang masakit non, he doesn't even deserve that mark. Gawd. Ka-text ko kanina tong si friend and he was texting soooper long messages, cursing my Spanish professor. Dang!

*I already know my schedule for the next sem. MWFS (parang MWSS). Dang ulit! I HATE Saturday classes. Saturday's gimik day, usually widabums. Sshhh.

*Isa na kong official resident ng GREEN FAAAD! Parang ganito, pag wala ako sa bahay ng mga 6-9 ng gabi, asa green faaad lang akeich. =) Bums, tara!

*Super bonding kami ni Theto ngayong sembreak. Iisa na nga ata kami ng amoy. Araw-arawin ba naman. Hindi naman siguro magagalit si Mama Anne. And I am certainly not wishing for that. She's VERY tall.

*What do you do when a close guy friend gives you a condom? (tatak: Sensation)

*LOVE ACTUALLY is for the in-labs.

*Meg was sick yesterday. Awwww. Get well soon Meggy!

*I thought Pez got mad at me today for not texting/calling him this week. Sorry Pez. Lab mo na ko ule? CTG? Jonas, ano, 50pesos o 180?

*I am currently reading THE IMPORTANCE OF MAYA ANGELOU by uhh...habol ko na lang. Oh Maya, I wanna be just like you.

*I miss someone with a big grin and braces. Naaalala kita pag kakain na (sembreeaakkk)...Ate Chie, sing wid meh!

*Di ako makakasama sa 'bahay ampunan trip' mamaya kasama sina Gene at Lew. Excited pa naman ako. Pers taym sana.

*May mga taong nagpaparamdam ng kanilang kakaibang presensya. Kindat kindat.

* A message to EBE DANCEL, bakit ang lungkot mong bata ka ha?

*Botday na ni Boronron sa Sunday! Yehey! Sana na-digest mo na lahat ng bigas na nakain mo.

*Habang naglalakad kami ni Theto sa ilalim ng mainit na araw kanina, nakita ko ang crush ko sa pilahan ng tricycle. At ako ay napa-'OMG Thets, si Jermaine nasa likod ni Erick!' Si Erick naman e, high school friend.

*Sana matuloy ang mga honeymooners sa kanilang pinaplano para sa long weekend.

*I am listening to SUGARFREE.

*sings: dahil katulad mo ako rin ay nagbago. di na tayo katulad ng dati, kay bilis ng sandali. *

Monday, October 18, 2004

Get back to where you once belonged...

Because we (batchmates) are currently enjoying our 3to4-week break from school, my old friends and I decided to meet, go and visit our old school, and celebrate my best friend Ellen's birthday.

Riot pare! Sobrang ingay namin forever. Walang pinagbago. Tsk.


Myk, Ria, Jaz, Anne (gurfren ni Theto!), Theto, Ako, Len.

At dahil wala si Meg sa naunang picture, eto ngayon sya kasama ang aming pinakamamahal na teacher sa Management nung high school. Yan si Sir Gudo. May lihim na pag-ibig si Len para kay Guds. Hwahahah!!

Lab na lab namin tong si Sir Guds, lagi nya kaming niyayakap at kini-kiss sa noo, kaming 3 lang syempre. Yes, he loves us!

Sa tingin ko, kaibigan ko na sila hanggang sa pagtanda namin. Bata pa naman kami, marami pang pwedeng magbago...merong aalis ng bansa, merong maagang mag-aasawa (meron??), meron namang makakalimot na lang ng tuluyan. Pero sana, hindi.

Kaibigan ko na sina Meg at Ellen pre-school pa lang. Mahirap nang kalimutan yon. =)

Sunday, October 17, 2004

Happy happy birthday to my dear, beloved best friend, MA. ELLEN LICUP! 19 ka na, waw. :)

Saturday, October 16, 2004

Ryan, Ryan, Musikahan*

Ryan Cayabyab's acceptance speech duringthe 12 Gawad CCP Para sa Sining award.

"Ang mga Natutunan Ko Hanggang Kahapon Bilang Isang Manunulat ng Musika:

1. Walang mangyayari kung nakatitig ka lang sa labas ng bintana habang naghihintay ng inspirasyon. Malimit na ito ay hindi dumarating.

2. Kapag mayroon ka nang naumpisahan, tapusin mo.

3. Kapag may pumansin sa nilikha mo dalawang bagay lang ang gagawin mo: una, kung ito ay pinuri, ngumiti ka; pangalawa, pag ito'y binatikos, humalakhak ka. Huwag mong pakawalan ang iyong bait. Mabuti nga't napansin ang likha mo.

4. Lumikha ka lang ng lumikha. Tumigil ka lang pag patay ka na. Siyempre.

5. Huwag mong liliitin ang mga nilikha mo. Minsan ito ay may kapangyarihan na hindi mo matalos.

6. Sa kabilang dako naman, huwag ka nang magmalaki. Maraming mas magaling kaysa sa iyo, kung hindi ngayon, sa mga darating pang panahon.

7. Hindi sa iyo ang mga nilikha mo. Ginamit ka lang na isang daan upang maisalarawan mo ang kalagayan ng iyong kapanahunan at kapaligiran.

8. Magpasalamat ka sa mga taong nagpakita sa iyo ng daan.

9. Magpasalamat ka sa bayan mo na iyong kinalakhan.

10. Magpasalamat ka sa Diyos dahil ikaw ay humihinga at ikaw ay isangalagad ng sining!

May pahabol pang isa: Hangga't maaari, huwag ka nang dumakdak ngdumakdak, tugtugin mo na lang."

*from the AB TunOrg Yahoogroup.

Thursday, October 14, 2004

Waw! Bagong bahay, bagong buhay (nga ba?) Hehe. Eto ang bagong 'home' nila Kuya Den at Ate Dins (more peechurs here!).

Congratulations sa inyong 2! Gusto ko nang bumalik, kasi ang sarap ng longganisa. Tsaka sarap makitulog. :) O, sa lahat ng mga gustong pumunta dito, welkam na welkam tayo!! Ransack natin yung ref nila. Hehe.


Naaaks. Luto at hain ni Inay!

========

O, art art naman. Congratulations sa organizers ng Saori exhibit sa Museo Pambata. Lalo na sa mga bums na ever hardworking and patient pero all smiles pa rin na sila KUYA LES, ATE DES AND ATE CHIE.

Look at Kules' artwork. Grabe, hay. You are the BUM!

Will ya luk at dat! Artwork nya yaaan. Tsk. I should've let Kules sign my shirt no? Stagibs ka talagaah (You're so heavy)!

========

Congrats kay Ate Noreen for passing the Licensure Exam! Clap clap! :D



Tuesday, October 12, 2004

The English Tagalog Dictionary*

*this is an edited version of Ate Lui's email today. GREEN kasi yung iba. :)

Did you know that some English song titles can sound so funny and outrageous when translated to Tagalog? Here are some of them:

Imagine - Mantakin Mo

Bluer Than Blue - Malapit Na Sa Hukay

Tonight's The Night - Patay Kang Bata Ka

Hey Jude - Hoy Hudas!

Power of Love - Buntis

Three Times a Lady - Super Bakla

More Than A Woman - Tomboy

Don't Let Me Be The Last To Know - Huwag Mo Kong Gawing Tanga

You Should Know Me By Now - Alam Mo Na Dapat Ngayon Yan, Tanga!

Got To Believe In Magic - Walang Himala

King & Queen Of Hearts - Tong-its Na Ko Sa Jack

Macho Man - Walang Ganyan Sa Opis

Pretty Woman - Walang Pa Ring Ganyan Sa Opis

Monday, October 11, 2004

Sembreak Sonata


Last Thursday was my last day in school. The most awaited break has come, finally. The whole day I kept on thinking about how MOZART and I can see each other for the last time and talk (yuck! What do I mean by TALK?! E naiispeakless nga ako noh!).

But before I begin my story, let me re-introduce to you the current mangga of my bagoong, suka of my singkamas and patis ng matabang na sinigang.

We met last September. Barkada nya si GENE, na nanliligaw sa roommate ko na si CELINE. Every Wednesday, binibisita nila si CELINE sa dorm.Of course, being the ATE/P.A. that I am to my baby sister, I accompany her.

Kasama ni GENE si MOZART non.

Hmmm...cutie naman neto. At mukhang mabait. Ma-chika nga.

ODET: Hello, anong name mo?
MOZART: Mozart po.
ODET (laki mata): Mozart? As in Wolfgang Amadeus?
MOZART (smile, kita braces!): Opo.
ODET: Asteeg ah! First time kong makakilala ng isang Mozart. E di ba, Moat-zart dapat?
MOZART: Oo nga po, pero mas madali di po ba pag Mow-zart lang?
ODET: Oo nga naman.

Then he popped a question which resulted to my very first stupid act in front of him.

MOZART: Kilala nyo po si Moses?
ODET: Ah si Moses? Oo naman noh! Crush ko nga dati yon e.
MOZART: Ah-eh. Kuya ko po yon e.

Opo! Kuya nya si Moses! Red Sea!

ODET (laki mata): Pramis? (tawa kami malakas pareho) E di ba officer yon ng ABSC?
MOZART: Opo.
ODET: Auditor ba? Basta alala ko binoto ko yun e.
MOZART: P.R.O. po.
ODET: Aaahh.

Pahiyang onti!

After a few weeks, we watched the UNPLUGGED concert in school. Buong barkada ulet. It was fun, music was great (3 bands from the College of Medicine ata, then Nyoy V. and the Mannos who are SO good, Akafellas who made the whole auditorium shake, and MYMP, pampakalma sa mga balak mag-propose at sumagot ng manliligaw).

We sat next to each other, he was quiet.

I asked him if he was hungry, he said yes, so we went outside to eat. Naiwan kami, kasi naunang pumasok mga kasama namin.

Ohmygawd. Kami lang dalawa. Kausapin mo! Tanungin mo! Uh...Busog ka na? Ang mahal nung food no? Baka gusto mo nang pumasok sa loob. Akafellas na, sayang pag di napanood.

Nalimutan ko kung pano, pero maya-maya nakita ko hawak na nya yung red jacket ko. As i was spooning (kinukutsara) my gravy (yes, I live for gravy), he tried to put it on.

ODET: Ano ba yun! Maliit yan sa yo no! Sa kin nga masikip na yan e.
MOZART: Hehe. Malamang!

He still put it on and carried (parang burden e no?) it on his shoulders until we went out of the auditorium, until we were looking for his father's car outside the school. It was past 12.

Celine and I were in the room, nagggirl talk after taking the Nestea Iced Tea Plunge on my bed.

CELINE: Ang saya mo ate a!
ODET: Mygash! Nakita mo ba yon? Nakakatuwa! Haaaaaaay.
CELINE: Uyy...di palalabhan yung jacket nya...

And she was right.

The jacket rested on my bedside and it was only after 2 weeks that I finally decided to shoot it into my pink hamper.

It's now time to make a change, just sit down, take it easy.

I am very proud to say that our own presentation of THE FLOWER DRUM SONG was successful. Kudos to the whole cast!! Isang kampay naman dyan. :)

O girls, asan ang fishnet stockings and fiery red lipstick?

HIHI. Nakatingin sa kamera.

June, bakit? Anong problema? Pag-usapan natin.

Lupon ng mga batang epal at makukulit. BEWARE! Meron isa sa aming naka-wig. :)

Mukha ba silang galing Siam? Malamang. Cast yan ng THE KING AND I.

It's been a hard day's night and we've been working like - K-9s sniffing and running and being bossed around/bossing around and skipping meals and bedtime for 2 whole weeks - dogs.


*Kokx! Pics naman ng Wizard of Oz!

Saturday, October 02, 2004

Dear Kim, kamustang bakasyon mo?

Uh-huh. Malapit nang magsembreak! Ngayon pa lang, naiisip ko na ang mga activities ko for the 3 weeks to come!!

I. For the whole break

1. compose blogs about:
a. subic trip
b. flower drum song
c. 3BeS2

2. i-meet ang bandmates para pag-usapan ang mga susunod na hakbang para makapag-practice at magka-gig...buhayin natin muli!

3. makipag-bonding sa aking mga bestfriends at high school friends. 1 whole sem din tayong di nagkita, Meg.

II. For next week:

1. bisitahin ang bagong bahay nila Ate Dins at Kuya Den (they're moving tomorrow)

2. email ang mga pictures from my cam para naman matuwa ang mga taong pinipicturan ko

3. watch Raising Helen DVD

4. makipag-bonding sa mga taong tomasino, Vanjo, Francia, Faith, June at Charisse

a. Plan A: Overnight sila dito sa bahay sa Friday, after our last exam (may inuman na ring kasama)
b. Plan B: Oktoberfest
c. Plan C: Dalhin si Vanjo sa Malate
d. Plan D: Dalhin si Ode sa Libis =)

Pero syempre, bago ang lahat ng yan, isang umaatikabong pagsusunog muna ng kilay para sa FINALS. Duuug.