Monday, October 11, 2004

Sembreak Sonata


Last Thursday was my last day in school. The most awaited break has come, finally. The whole day I kept on thinking about how MOZART and I can see each other for the last time and talk (yuck! What do I mean by TALK?! E naiispeakless nga ako noh!).

But before I begin my story, let me re-introduce to you the current mangga of my bagoong, suka of my singkamas and patis ng matabang na sinigang.

We met last September. Barkada nya si GENE, na nanliligaw sa roommate ko na si CELINE. Every Wednesday, binibisita nila si CELINE sa dorm.Of course, being the ATE/P.A. that I am to my baby sister, I accompany her.

Kasama ni GENE si MOZART non.

Hmmm...cutie naman neto. At mukhang mabait. Ma-chika nga.

ODET: Hello, anong name mo?
MOZART: Mozart po.
ODET (laki mata): Mozart? As in Wolfgang Amadeus?
MOZART (smile, kita braces!): Opo.
ODET: Asteeg ah! First time kong makakilala ng isang Mozart. E di ba, Moat-zart dapat?
MOZART: Oo nga po, pero mas madali di po ba pag Mow-zart lang?
ODET: Oo nga naman.

Then he popped a question which resulted to my very first stupid act in front of him.

MOZART: Kilala nyo po si Moses?
ODET: Ah si Moses? Oo naman noh! Crush ko nga dati yon e.
MOZART: Ah-eh. Kuya ko po yon e.

Opo! Kuya nya si Moses! Red Sea!

ODET (laki mata): Pramis? (tawa kami malakas pareho) E di ba officer yon ng ABSC?
MOZART: Opo.
ODET: Auditor ba? Basta alala ko binoto ko yun e.
MOZART: P.R.O. po.
ODET: Aaahh.

Pahiyang onti!

After a few weeks, we watched the UNPLUGGED concert in school. Buong barkada ulet. It was fun, music was great (3 bands from the College of Medicine ata, then Nyoy V. and the Mannos who are SO good, Akafellas who made the whole auditorium shake, and MYMP, pampakalma sa mga balak mag-propose at sumagot ng manliligaw).

We sat next to each other, he was quiet.

I asked him if he was hungry, he said yes, so we went outside to eat. Naiwan kami, kasi naunang pumasok mga kasama namin.

Ohmygawd. Kami lang dalawa. Kausapin mo! Tanungin mo! Uh...Busog ka na? Ang mahal nung food no? Baka gusto mo nang pumasok sa loob. Akafellas na, sayang pag di napanood.

Nalimutan ko kung pano, pero maya-maya nakita ko hawak na nya yung red jacket ko. As i was spooning (kinukutsara) my gravy (yes, I live for gravy), he tried to put it on.

ODET: Ano ba yun! Maliit yan sa yo no! Sa kin nga masikip na yan e.
MOZART: Hehe. Malamang!

He still put it on and carried (parang burden e no?) it on his shoulders until we went out of the auditorium, until we were looking for his father's car outside the school. It was past 12.

Celine and I were in the room, nagggirl talk after taking the Nestea Iced Tea Plunge on my bed.

CELINE: Ang saya mo ate a!
ODET: Mygash! Nakita mo ba yon? Nakakatuwa! Haaaaaaay.
CELINE: Uyy...di palalabhan yung jacket nya...

And she was right.

The jacket rested on my bedside and it was only after 2 weeks that I finally decided to shoot it into my pink hamper.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home