Saturday, December 03, 2005

Para sa E-heads

*clap clap*

Sino ba ang hindi nakakakilala sa Eraserheads?


Maaga kaming dinismiss nung Tuesday, araw ng launching ng Ultraelectromagneticjam (haba), ang album na matagal ko ng iniintay, sariling rendition ng mga Pinoy artists sa mga Buendia/Marasigan songs.


Pagdating sa mga artists, nagulat ako na merong MYMP, Spongecola, Paolo Santos at 6cyclemind sa listahan. Not that I hate them, pero...kakanta ng Eheads songs??? Pero ala tayong magagawa, desisyon ng management.

I went with June, Namron and Kokx.



Ultimate experience talaga yun, kasi kaming 4 lang (ata) ang naka-uniform sa buong UP campus, nagpunta kami doon sa tapat ng UP Theater ng walang tickets. Pero isang anghel (na matangkad, may kaputian, at naka-maong jacket) ang lumapit sa min at BINIGYAN kami ng mga tickets. Uh huh, walang bayad. He gave us a pair, so we had to buy 2 more. BUTI NA LANG, naglabas ulit ng fresh-from-the-kahon tickets kaya nakabili kami. Tuloy, may 2 free cds kaming nakuha. Yey!

Hay. Sayang lang wala si Rico J., Francis M., at Brownman R. doon.
Kahit na hindi perfect yung album (dahil na rin sa hindi kagandahang pagcover sa timeless hits ng Eheads tulad ng Magasin at Pare Ko), masaya pa rin kasi kanta ng Eheads yun e.
Ito ay para sa masa. :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home