MEMORY BOXNGAYONG LINGGONG ITO, sobrang sama ng panahon, bawal tuloy lumabas ng naka-sandals. Sa Manila pa naman, kapag umulan, tapos naglakad ka ng naka-chinelas sa daan, mag-iiba talaga ang kulay ng mga daliri mo sa paa. (Shame! Shame!)
JUST TODAY, natapos ang preliminary examinations namin. (Hear! Hear!)
YESTERDAY, June and I went out, ate, watched THE WEDDING CRASHERS (short, but funny). I was cheered up, at least for a while.
YESTERDAY was the supposed day for the ELIMINATION for MUSIKLABAN to be held at StarMall, Las Pinas. But, funny, I was not there.
**************
Eto ang kwento:
Last THURSDAY, Aug. 4, nakatanggap ako ng text galing kay ERIC, friend ng classmate ko na si Cherry at drummer ng bandang PUMPING PLUTO, nagtatanong kung willing daw ba akong pumalit sa vocalist nila na si KAREN (who is already based in Quezon to work) para sa EVALUATION FOR A CONTRACT WITH VIVA RECORDS at ELIMINATION FOR MUSIKLABAN. Go agad ako, nakaka-excite naman talaga e. Pero syempre, tinext ko muna si PEZ, ang bassist ng UNCLE'S ARMY, asking for permission. Ako na daw bahala...so go na go talaga ko.
So nung SATURDAY din na yon, June went with me to Valenzuela for me to meet the other band members, and to practice. Dahil nung kinagabihang din yon pala, may GIG na kami sa SIMMER DOWN BAR & RESTO sa Katipunan. We practiced for about 3 hours (KALYE NG PAG-IBIG at MEMORY BOX na originals, AKAP by IMAGO, at SUNTOK SA BUWAN by SESSION ROAD). Taas kamay ako sa PUMPING PLUTO, napabilib nila ako sa pagiging buo ng tunog nila...in short, magaling talaga. Taas kamay, taas noo.
Before going to the venue, June and I went first to their house for dinner. Nope, hindi pa po 'MEET THE PARENTS' ang tema, dahil youngest sis at mom niya lang ang nandun.
O balik, balik. Pinag-usapan namin yung future nung banda, kung saan papunta, kung ako na ba talaga ang papalit kay Karen. Nabasa ko naman sa mga ngiti nila na parang walang magiging problema. Nag-pep talk pa nga...gumalaw sa stage, wag magtitira basta ibigay daw lahat ng makakaya para makuha sa MusikLaban.
So this whole week, I prepared myself for the ELIMINATION. Ini-imagine ko na yung mga gagawin ko, kung paano ko kakanta, kung paano ko sila ieencourage habang nasa stage kaming lahat at ruma-rock.
Then YESTERDAY, mga 3pm, Edward (rhythm) called me, may konting problema daw. Sa isip ko, 'ohman, andyan si Karen.' And I was right. We talked for a few minutes, he was apologizing, I could tell that he didn't know how to tell me that Karen is their singer for that day.
I was hurt because that was the least thing that I expected. But what can I do, I am only her replacement.
Most of the members texted me, they said 'sorry'...and I wished them well. I know you guys didn't mean anything. Nangyari lang talaga. (As if naman mababasa niyo to)
I was really down the whole day, kahit hanggang ngayon, pero onti na lang. Hehe. Napagbuhusan ko na ng sama ng loob si 6th-month-of-the-year, kaya ok na din.
Salamat kina Ate Dins, Francia, Cheri, Faith, Celine at sa lahat ng mga taong nagtext at nagpakita ng suporta at pagmamahal (yak, parang nanalo ng award). Lab ko din kayo. Syempre sa mga miyembro ng Pumping Pluto - Eric, Magz, Pilo at Edward, salamat. Sana makapag-gig pa tayo ng isang beses.
Sorry din sa mga taong na-inform ko, super text kasi ako kahapon, sinasabi ko sa mga kaibigan ko na pumuntang StarMall kasi nga andun ako. Sorry talaga.
And to those people who want to rub it in my face, na mukhang masaya na napahiya ako, just....just.....stop. Ok?