Sunday, April 10, 2005

Opis Gurl

Every minute is important, therefore, it should be spent on sleeping OR watching TV. =)
Spoken like a true bum.

My whole week was spent on calling up people I don't know, asking them (begging pa minsan) to spare 10-15 minutes of their time to answer boring (but useful) questions.

Eto ang bago naming tinatrabaho sa opisina, magtawag na mga taong in charge sa pagpapa-book sa Customer Service ng 2GO FREIGHT. Ang 2GO FREIGHT, parang LBC at FEDEX, Superferry version nga lang.

AKO: Sir, paki-rank naman po ang tatlong ito. PEOPLE, PROCESS and SERVICE. Ano poang pinakaimportante para sa inyo sa 3? Ano naman po ang rating niyo sa PEOPLE? PROCESS?SERVICE? 1-5 naman po tayo dito, 1 po ang highest.

AT! 3 pages ang questionnaire. Daym.

Mga friends, ok lang kayong tamarin, wag nyo lang akong sisigawan. Please.

JELALINE DIZON (screaming at the top of her lungs): Ano ba yan?? Interview na naman? Tandang-tanda ko na yang pangalan ng kompanya mo ah, Quest Consulting Group?? Ang gusto ko lang malaman ay kung ano ang kelangan mo sa kompanya ko?! Bakit kelangan mong kunin ang address, bakit alam mo yung number ng kompanya ko??! Ang liit liit ng kompanya ko, bakit ba gustong-gusto nyo kaming tawagan??

AKO: Ma'am, hindi lang po kayo ang tinatawagan namin. Lahat po ng mga companies na nagpapa-booksa 2GO kinakausap namin. Sa katunayan po... (pero ang totoo, iniisip ko, PRANING TO!)

J. D.: Ay wala akong pakialam!! E hindi ko nga alam kung totoong tiga Quest ka e!!

AKO (naluluha, pinipilit maging magalang): Ma'am hindi ko na po kayo iinterviewhin...

J. D.: Anong hinde?? Sobra-sobra na nga yang ginagawa mo e!! Bratatatatatattttt.

BOOM. Binagsakan akong telepono. Skor.

Sabi ni Sir Jem ang aking boss, 'Wag mo na intindihin yon. Isipin mo na lang, ayaw niyang mag-contribute sa pagbuo ng intelligent society.' Tama!

It's just another manic Monday tomorrow!
Sana may masakyan akong FX.
Sana hindi grabe ang trapik.
Sana tumigil muna kami sa kakatawag.
Sana masarap yung miswa with meatballs na inorder ko kay ate.

====My kapitbahay is singing 'WOMAN' by Pareng John Lennon sa videoke====

0 Comments:

Post a Comment

<< Home