Thursday, April 28, 2005

Simple Lang Naman Sana Ang Buhay II

I won't lie. Things are not that great.

1.) Our boss, Sir Jem, informed us that we will extend hours for OJT until June! Ohman. Ang tagal non. Karir ba itu? Nararapat lang na sa pasukan, madamech kameng datung pambili ng mga gametch for skool. Nagpa-plano pa naman kami ng aking ama na mag-driving lessons na ako. Napurnada na naman. Hmmmmp.

2.) I get so so tired from work (still)! I plunge into my bed the moment I step into my room. I miss dinner, I miss Darna.

3.) Things are not that great. Yung naunang post ko, konektado dito. Hindi naman talaga dapat inoover-analyze ang mga bagay, pero hindi rin naman maiwasan. Kaasar maging paranoid, pero mahirap i-control. Nakakabwisit pag meron kang ayaw mangyari, pero nangyayari pa rin. Tapos pag may gusto ka namang mangyari, aysus!, hinding-hindi naman mangyayari.

BAKIT BA GANITO!?!

Pero! Thanks to the members of my support group (you know who you are). Kahit batukan nyo pa ko ng ilang beses, lab na lab ko pa rin kayo.

Yak, ang drama. Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi maiiwasan.

God has His own way of doing and moving things. I have no right to question why, but I still want to know the answers.

What I have in my hands right now is something that is so fragile. Ika nga ng Roxette (?), 'like china in my hands'. And that is...myself.

Tuesday, April 19, 2005

Simple Lang Naman Sana Ang Buhay

Ano ang gagawin mo:

Kapag hiniling ng mga pagkakataon na gumawa ka ng desisyong makakaapekto sa buhay ng isang taong importante sa yo?

Follow-up questions:

Ano ang mga bagay/sino ang mga tao na dapat mong i-consider?

Handa ka ba sa mga pwedeng mangyari, maganda man o panget?

Ano ang tunay na iniisip at nararamdaman mo?

Ano ang gusto mong mangyari?

May maganda bang ibubunga yan para sa lahat, lalo na sa inyong dalawa?

Magiging masaya ka ba? E siya?

May matututunan ka ba pag tinuloy mo yang desisyon mo?

Pinagdasal mo na ba?

Sunday, April 10, 2005

Opis Gurl

Every minute is important, therefore, it should be spent on sleeping OR watching TV. =)
Spoken like a true bum.

My whole week was spent on calling up people I don't know, asking them (begging pa minsan) to spare 10-15 minutes of their time to answer boring (but useful) questions.

Eto ang bago naming tinatrabaho sa opisina, magtawag na mga taong in charge sa pagpapa-book sa Customer Service ng 2GO FREIGHT. Ang 2GO FREIGHT, parang LBC at FEDEX, Superferry version nga lang.

AKO: Sir, paki-rank naman po ang tatlong ito. PEOPLE, PROCESS and SERVICE. Ano poang pinakaimportante para sa inyo sa 3? Ano naman po ang rating niyo sa PEOPLE? PROCESS?SERVICE? 1-5 naman po tayo dito, 1 po ang highest.

AT! 3 pages ang questionnaire. Daym.

Mga friends, ok lang kayong tamarin, wag nyo lang akong sisigawan. Please.

JELALINE DIZON (screaming at the top of her lungs): Ano ba yan?? Interview na naman? Tandang-tanda ko na yang pangalan ng kompanya mo ah, Quest Consulting Group?? Ang gusto ko lang malaman ay kung ano ang kelangan mo sa kompanya ko?! Bakit kelangan mong kunin ang address, bakit alam mo yung number ng kompanya ko??! Ang liit liit ng kompanya ko, bakit ba gustong-gusto nyo kaming tawagan??

AKO: Ma'am, hindi lang po kayo ang tinatawagan namin. Lahat po ng mga companies na nagpapa-booksa 2GO kinakausap namin. Sa katunayan po... (pero ang totoo, iniisip ko, PRANING TO!)

J. D.: Ay wala akong pakialam!! E hindi ko nga alam kung totoong tiga Quest ka e!!

AKO (naluluha, pinipilit maging magalang): Ma'am hindi ko na po kayo iinterviewhin...

J. D.: Anong hinde?? Sobra-sobra na nga yang ginagawa mo e!! Bratatatatatattttt.

BOOM. Binagsakan akong telepono. Skor.

Sabi ni Sir Jem ang aking boss, 'Wag mo na intindihin yon. Isipin mo na lang, ayaw niyang mag-contribute sa pagbuo ng intelligent society.' Tama!

It's just another manic Monday tomorrow!
Sana may masakyan akong FX.
Sana hindi grabe ang trapik.
Sana tumigil muna kami sa kakatawag.
Sana masarap yung miswa with meatballs na inorder ko kay ate.

====My kapitbahay is singing 'WOMAN' by Pareng John Lennon sa videoke====