Sunday, July 17, 2005

Gagawin ko ang lahat pati ang THESIS mo!

*sigh*. Nasikatan na naman ako ng araw. Siguro kung naging bampira ako, matagal na akong naging abo. Ilang beses na akong nahuhuli ni Haring Araw na nakaupo sa harapan ng laptop habang siya ay unti-unting sumisilip upang paliwanagin muli ang madilim na kalangitan.

At yan ang sayang hatid ng pagiging group leader sa paggawa ng (..drumrolls..) thesis.

Nag-announce pala yung class president namin kahapon na Simula July 18, pwede nang pumunta sa isang studio sa Sampaloc para magpa-grad pic. GRAD PIC.

Ayan, panigurado magsusulputan na naman ang mga magsasabi na, 'ang bilis ng panahon, parang kelan lang...'

O sige, emote pa!!

.....
....
...
..
.
..
...
....
.....

O tama na, gawa na ulit.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home