Sunday, July 10, 2005

Iba Na Talaga!

Iba na, ibang iba na nga talaga ang ka-busy-han kapag 4th year ka na. Siyempre, dahil graduating, dapat bibo kid na - sali sa mga kung anu anong organizations para matuto at maka-meet ng mga taong bagong salta sa skul aka freshmen. Hehe. Tsaka pangdagdag na din sa mga affiliations sa resume'. Yihee. Sumali tuloy ako sa JPMAP (Junior Personnel Management Association of the Philippines), JPSTD (Junior Philippine Society for Training and Development), TunOrg - org ng mga musicians sa college namin, at Mandala - official publication ng BeS, at syempre, bagong taon na naman para sa Pink Mannequin - official band ng BeS2!! Balak ko din mag-volunteer para sa mga nalalapit pang mga projects ng mga officers ng BeS Society.

=======

Thesis - kinatatakutan, kinababaliwan ng mga 4th year. At ngayong 4th year na din ako, isa na ako sa mga nagpapakasasa sa meetings para lang i-revise ng i-revise ang paper namin. Todo research sa library para mas maraming ideas ang madagdag sa Review of Related Literature. Buti na lang kasama ko si Surrealist na bumuo ng review!

=======

Labor Code - Ito ang bibliya ng mga BeS students. Tuwing Wednesday, 6-9 ng gabi, sa loob ng isang malamig at maliwanag na kwarto sa AB building nagaganap ang 'mental torture' hatid sa amin ni Professor/Atty. Bong Lopez, Bonglo for short, Bong - ultra short.

=======

I miss my band! To Pez, Jay, Kuya Mark at Lian, sana magkita-kita na tayo ulet. Namimiss ko na kayo mga bruho.

=======

Sa aking special friend na si four-letter-word, salamat at nandiyan ka. You have no idea how happy I am when I'm with you. <===pwedeng maging mushy? blog ko naman to e!

Opo, mga Ate at Kuya, buhay po muli ang lablyp ni Paperback Writah.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home