Monday, December 06, 2004

Ano: NO STRINGS ATTACHED*. An acoustic competition for amateur bands brought to us by the Alpha Sigma Fraternity (ehem, manager Dyan?).

Lumulutang ako ng onti kapag naririnig ko ang ad nito sa Jam 88.3, syempre kasi binabanggit sa radyo yung pangalan ng banda ko :) Hapeeee.

Saan: Rob Place Ermita.

Kelan: Dec. 9, Thursday. 3 pm.

Ano ngayon?: Kasama ang Uncle's Army sa 6 na bandang maglalaban-laban.

Kantang kakantahin: Sikret muna.

Kantang kakantahin nga: Sigi na nga. Save Me by Remy Zero. Hyeah!

Kaninong idea: Kay Pezdude. Sekendamowshon agad ako, kasi wala pa nga namang acoustic version to (O hindi lang namin alam na meron?). Tsaka mas masayang timplahan. We plan to make the song more mellow. At syemre, girl. Kasi girl ako e. Cross your fingers and toes.

We want all our friends to be there, we need all the support we can get. Punta ka ah!

*nakaka-excite. pero mas nakakanerbyos.

Sunday, December 05, 2004

The Week That Was

*Panalo talaga ang MUSIC, MAGIC AND MARKET @ Museo Pambata. Sa mga hindi nakakaalam, isa ang Museo sa mga kino-consider kong 'tambayan'. Hehe. Pano ba naman, andyan ang feeenk faad (which keeps a lot of memories) ni Ate Des. Paborito kong gawin sa Museo ay kalikutin ang mga tinda sa Gift Shop. Hindi naman bumibili. Tsaka mag-basketball at wall climb!! Iniisip ko pa lang, napapagod na ko kaka-tour ng paulit-ulit.

*Panalo ang mga dancers na 'kinuha' ko para sa gabing to. Maraming salamat kina Celine (na syang 'choreographist'. Haha!) , Kaye (na nagmula pa sa FEU), Karen (na ever present sa mga practices), Doms (na apaka-patient sa pagtuturo ng steps), Nik (na nung araw lang yon natutunan ang sayaw) at DJ (na ever willing sumali sa number na to). Syempre, thank you Ericson, ang pansamantalang gitarista na hiniraman ko ng talent at gitara. Pati sa mga sumama, kina Gene, Armand, Jem at Alden-slash-Vic Sotto.

*Pezdude, magpagaling ka na. Sana maging ok ka na. As soon as possible.

*Nakakaadik palang mag-badminton at mag-basketball. Yuh! Can you believe that?! Ako, isang simpleng batang lagi lang tiga-nood, ngayon, naglalaro na!! Adeektoos. O, asan na mga team mates ko? (yak, feeling.)
Kaya naman nangingitim na ko. Pano, laging nakabilad sa araw. Nako! Pano na lang yung kasal ng pinsan ko sa Dec. 23...owange pa naman ang kulay ng gown ko. Josko, enge ngang BIOLINK!

*Nakakalungkot talaga yung tragedy sa Aurora, Quezon at Nueva Ecija. Hindi ba magpapavolunteer ang USTe para dito?