Wednesday, June 16, 2004

START THE SCHOOL YEAR WITH A BANG!!

Yuh! First week of school, at may nakalaan agad na gala para sa akin. Dumating si Kuya Den nang Thursday. Yey for Ate Dins!!

Argh! Friday, 3-9 ang class ko. Buti na lang, maaga kaming dinismiss. Mga 8:15 (wow, aga nun ah!), so nakapag-change costume pa ang lola mo.

Pagdating ko sa library ng Museo, huwaw! dami daming fishballs, squidballs, at kung anu-ano pang balls. E fishball party naman pala e. Sarap sumawsaw sa sawsawan!

At yan ay dahil nag-resign na si Ate Noreen sa Museo. Sabi ko nga sa note ko sa kanya, mamimiss ko ang pagdating ko sa Museo nang sya ang nai-istress sa mga makukulit na bata sa may resource. Hehehe.

God bless sa yo Ate Noreen. Dalaw dalaw!!


Ligpit na, nanay.



Akala ko talaga, uuwi na kami after the salu-salo. Yun pala, SIDEBAR MUNA kami.


Together again...




Nakow, ang daming ibils sa Sidebar. Tsk tsk tsk.




Goodbye Ate Noreen-Museo. Welcome, Prof. Noreen-MaDocs!!


Look, parang di na ako yan. Ganyan ang itsura ko pag nagmomorph na into a greater ibil. Muhahaha.

Umuwi kami ng mga 3 am. House kami ng mga 4. Ang bilis ng mga pangyayari. Bagsak ang energy ko pagdating pa lang sa sasakyan.

Worst, natulog ako wearing the same shirt and underwear, without brushing my teeth, without washing my face. Antatag di ba? Buti naman at naalala ko pang magpalit ng pants. Hehehe.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home